Pilipinas, mananatiling bukas sa Russian travelers – DFA

Pilipinas, mananatiling bukas sa Russian travelers – DFA

April 8, 2022 @ 4:15 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Hindi maghihigpit ang Department of Foreign Affairs sa pagpapapasok ng Russian travelers sa bansa sa kabila ng tumitinding tension sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Paliwanag ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. mayroong ipinagmamalaking tradisyon ang mga Pilipino ng pagtanggap sa sinuman na magnanais na bumisita o pansamantalang manirahan sa bansa.

“There’s a suggestion that the Philippines restrict the entry of Russian travelers. My answer is nunca; nyet; never,” tweet ni Locsin.

“We took in White Russians, defeated Spanish Republicans especially Basques, defeated Nationalists from the Chinese civil war (still ongoing), Vietnamese boat people and Iranians,” saad pa niya.

Binanggit din ng kalihim ang pag-aalok kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Filipino citizenship sa Rohingya refugees na tumakas sa Myanmar dahil sa nangyayaring militant attacks doon,

Kasabay nito, sinabi rin ni Locsin na handa rin ang bansa na magpatuloy ng mga Ukrainian refugees.

“The Philippines pledged US$100K contribution to the UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs’ Humanitarian Flash Appeal for Ukraine,” saad ng DFA sa hiwalay na statement.

Noon lamang Pebrero 28 nang magpalabas si Pangulong Duterte ng kautusan na nag-i-institutionalize sa pagbibigay ng protection services sa mga refugees, stateless persons at asylum seekers. RNT/ JCM