Pilipinas nakiramay sa Beirut blast victims

Pilipinas nakiramay sa Beirut blast victims

August 5, 2020 @ 3:58 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakiisa ang Pilipinas sa mga mamamayan sa Lebanon na dumaranas ngayon ng matinding pagdadalhamti dahil sa pagsabog sa port of Beirut

“Our thoughts and prayers are with the Lebanese people,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Sec. Roque na kaisa sila ng mga pamilya at kaibigan ng mga Filipino na nasawi at nasugatan sa nasabing pangyayari.

Sa kabilang dako, ipinag-utos na sa Deparment of Foreign Affairs na tulungan ang mga Filipino na apektado ng pagsabog na bumulabog sa port of Beirut sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Beirut.

Sa ulat, dalawang Pinoy ang patay habang anim na iba ang sugatan kasunod ng magkasunod na pagsabog na bumulabog sa port of Beirut nitong Martes.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA)), ang mga Pinoy casualties ay nasa bahay ng kanilang mga employer noong naganap ang explosion.

Tinatayang nasa 33,000 pa ang Pinoy sa nasabing bansa at malaking bilang nito ay nasa Beirut.

Sa datos ng mga opisyal sa Lebanon, sumampa na sa mahigit 70 ang nasawi sa pagsabog at mahigt 3,500 ang nasugatan sa pagsabog sa port warehouses na sinasabing iniimbakan ng mga highly explosive material.

Dahil sa nasabing pagsabog, nabasag ang mga bintana at nabuwag ang mga mga pader ng mga gusaling malapit sa pinangyarihan ng pagsabog.

Pinangangambahan ng mga opisyal na tataas pa ang bilang ng mga nasawi sa trahedya dahil patuloy pa ang paggalugad ng mga emergency workers sa nasabing port para sagipin ang mga survivors at kunin ang mga bangkay.

Kinordonan na ang port zone at ang pinapapasok lamang ay mga ambulansya, fire trucks, at kaanak ng mga nagtatrabaho sa nasabing area.

Idineklara naman ni Lebanon Prime Minister Hasan Diab ang araw ng Miyerkules bilang day of mourning habang nagpatawag naman si President Michel Aoun ng agarang defense council talks.

Samantala, sinabi ng DFA na para sa mga Pilipinong kailangan ng tulong, maaari nilang kontakin ang Philippine Embassy sa mga numerong +961 3859430, +961 81334836, +961 71474416, +961 70681060 at +961 70858086, sa kanilang email na beirutpe@gmail.com, o sa kanilang Facebook account. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...