Pilipinas, nananatiling low risk sa COVID-19

Pilipinas, nananatiling low risk sa COVID-19

July 20, 2022 @ 5:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanatili pa ring nasa low risk case  classification pa rin ang lahat ng rehiyon sa bansa bagamat may pagtaas ng kaso ng COVID-19 ayon sa Department of Health.

Sinabi ni Health Officer-In-Charge Ma.Rosario Vergeire na nanatiling may less 1 case per 100,000 population average daily attack rate maliban sa limang rehiyon sa bansa.

Kabilang rito ang NCR, CAR, Region 3, 4-A at 6 na may ADAR na may 1.56 hanggang 5.8 cases mula sa 100,000 populasyon.

Sa buong bansa, ang positivity rate ay tumaas ng 12.1 percent mula sa 9.8 percent noong nakaraang linggo .

Sinabi pa ni Vergeire na nanatiling mababa ang national admission kung ikukumpara noong nag-umpisang tumaas ang mga kaso noong Mayo.

Unti-unti na rin aniyang may pagtaas sa mga  admission sa ospital nitong nakaraang linggo.

Ang mga pagtaas ay nakikita sa mga asymptomatic, mild at moderate  ng halos kalahati ng mga admissions.

Sa kabila nito, nakitaan naman ng mabagal na pagtaas ng mga ICU admission kung saan  nakapagtala ng  pagtaas ng apat na kaso o .8 percent, ayon pa kay Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden