PILIPINAS, NANGUNA BILANG “DISASTER-PRONE COUNTRY”

PILIPINAS, NANGUNA BILANG “DISASTER-PRONE COUNTRY”

October 13, 2022 @ 5:08 PM 2 months ago


MULA sa ranggong ika-walo noong taong 2021, number one na ang Pilipinas sa listahan ng World Risk Report na inilabas ng IFHV o ng Institute for International Law of Peace and Armed Conflict at Ruhr University Bochum. 

Pinagbasehan ng grupo ang dalas ng pagkakaroon o pagtama ng mga natural events na kadalasan ay nagiging mga trahedya dahil sa tumitinding epekto ng climate change, at ang bulnerabilidad ng lipunan.

Nakakuha ang bansa ng overall disaster risk score na 46.82 points sa kabuuang 100 indicators at 193 na sumailalim sa assessment.

Mataas na puntos ang nakuha ng bansa sa indicators na kinabibikangan ng –

  • Exposure – 39.99 points

  • Vulnerability – 54.81 points

  • Susceptibility – 51.35 points

  • Lack of adaptive capacities – 55.48 points

Kabilang sa top countries na lapitin ng kalamidad ay ang

Ø  India – 42.3 points

Ø  Indonesia – 41.46 points

Ø  Colombia – 38.37 points

Ø  Mexico – 37.55 points

Ø  Myanmar – 35.49 points

Ø  Mozambique – 34.37 points

Ø  China – 28.70 points

Ø  Bangladesh – 27.90 points

Ø  Pakistan – 26.75 points

Habang itinuturing naman bilang mga “lowest risk countries” ang Monaco, Andorra, San Marino, Sao Tome and Principe, Luxembourg, Liechtenstein, Singapore, Malta, at Bahrain.

May malaking naging pagbabago sa metodolohiya na ginamit sa pagsasagawa ng ebalwasyon ngayong taon. Mula sa dating 27 indicators lamang ay pinagbasehan na ang 100 indicators. Kabilang sa mga idinagdag ang epekto ng kalamidad sa populasyon sa susunod na limang taon, at bilang ng mga refugees o displaced persons.

Isinama din ang tsunami at ang pagbaha bilang mga trahedya.

Tiningnan din ang digitization ng isang bansa sa disaster preparedness, knowledge acquisition, information dissemination, at communication control.