Pilipinas, “no secret meetings” sa China – Cayetano

Pilipinas, “no secret meetings” sa China – Cayetano

July 31, 2018 @ 3:24 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ngayong Martes (July 31) na ang administrasyong Duterte ay walang itinatago pagdating sa isyu ng West Philippine Sea, kaiba sa sinasabi ni dating Pangulo Benigno Aquino and Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Cayetano, nag-alok pa nga ang administrasyon ng briefing sa Kongreso at kay Acting Chief Justice Antonio Carpio.

Dagdag pa niya, nagbigay sina Aquino at Robredo ng “wrong information,” at binigyang diin na “no secret meetings” at “no secret deals” sa pagitan at Pilipinas at China.

“On the record” din ang meeting niya kay Chinese Foreign Minister Wang Yi at ang meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte kay President Xi Jinping.

Sa kabilang dako, ibinalik naman ni Cayetano ang tanong sa administrasyong Aquino kung naging transparent ba ito sa pagganap ni Senator Antonio Trillanes bilang negotiator sa talks sa Beijing na nagresulta sa pag-alis ng pwersa ng military sa Scarborough shoal.

Dagdag pa niya ang strategy ng administrasyong Aquino ay hindi nagbunga ng anumang resulta dahil pinigilan lang nitong makapasok ang mga Pinoy na mangingisda sa shoal.

Binigyang diin ni Cayetano na ang kasalukuyang administrasyon ay mayroong, “principled, patient, prudent and purpose-driven foreign policy without abandoning the country’s sovereign rights.”

Kasalukuyan na rin umanong gumagawa ang Pangulo ng posibleng oil exploration kasama ang China kung saan ang dalawang kompanya ay maaring magsanib puwersa sa commercial level nang hindi nasisira ang claims ng bansa.

Pinaliwanag din ni Cayetano na ang framework ay hindi lalabag sa Philippine Constitution at susunod sa standards na  Malampaya 60-40 sharing of revenues para sa Pilipinas. Sinabi rin niya na ang mga Chinese ay mukang sang-ayon dito.

Nakapag-usap na ang dalawang bansa ngunit hindi pa nagpalitan ng draft sa ngayon. Dadaan muna ang review at sa mga eksperto ang draft habang ang Constitutional law and oil gas naman ay ipakukunsulta rin Korte Suprema.

Sinabi rin ni Cayetano na ang exploration ay possible at maaring gawin sa paraan na hindi makasisira sa claims ng dalawang bansa. Umaasa rin siya na magkaroon ng draft sa August o September. Remate News Team