Pilipinas, out na muna sa Asian Games – SBP

Pilipinas, out na muna sa Asian Games – SBP

July 27, 2018 @ 8:24 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang kanilang desisyon na hindi na muna lalahok ang Pilipinas sa basketball competition sa 2018 Asian Games, kagabi (July 26).

Ibinahagi ang mensahe sa mga organisasyon ng media via email ng official account ng SBP at kalaunan ay pinost din sa official social media account.

Sa statement na inilabas kahapon, sinabing ang desisyong hindi pagsali ng Pilipinas sa laro ay upang, “to allow our National Team and our organization to regroup.”

Nauna rito, inilabas na ng FIBA ang sanction sa Pilipinas matapos ang nangyaring rambulan sa arena laban sa Australia sa World Cup qualifiers. 10 manlalaro ang suspended pati na ang Head coach na si Chot Reyes.

Pumutok ang balita ilang oras lamang matapos ang press conference nina SBP president Al Panlilio, PBA commissioner Willie Marcial at Rain Or Shine team representative Mamerto Mondragon upang pag-usapan ang mga plano para sa Asian Games na nakatakdang maganap sa susunod na buwan sa Indonesia.

Piniling pambato ng bansa ang Rain Or Shine sa pangunguna ni NLEX head coach Yeng Guiao.

Hindi naman nagbigay ng komento sina Panlilio at Marcial tungkol sa naturang desisyon. (Remate News Team)