Pilipinas, posibleng maparusahan sa pag-atras sa Asian Games

Pilipinas, posibleng maparusahan sa pag-atras sa Asian Games

July 28, 2018 @ 11:20 AM 5 years ago


Manila, Philippines – Handang humarap ang Philippine Olympic Committee (POC) sa anumang kaparusahan mula sa Olympic Council of Asia sa pag-backout ng Pilipinas na lumahok sa 2018 Asian Games.

Ayon kay POC President Ricky Vargas, sigurado siyang may kaakibat itong parusa dahil ayon sa bylaws mayroong multang ipapataw sa bansa kapag sila ay umatras sa kompetisyon.

Hindi naman nito binanggit kung magkano ang ipapataw na multa sa bansa.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 12 taon na ang Pilipinas ay lumalahok sa Asian Games.

Huwebes (July 26) ng gabi nang magdesisyon ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na hindi sila sasali sa basketball tornament sa buwan ng Agosto sa Indonesia dahil marami pang ginagawang pag-aayos basketball team ng bansa.

Sa statement na inilabas ng SBP, sinabing ang desisyong hindi pagsali ng Pilipinas sa laro ay upang, “to allow our National Team and our organization to regroup.” (Remate News Team)