Pilipinong mangingisda sa Pag-Asa Island, dumarami – PCG

Pilipinong mangingisda sa Pag-Asa Island, dumarami – PCG

May 19, 2022 @ 1:59 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na dumarami ang mga magingisdang Pilipino sa Pag-asa Island.

Sa deployment ng pinakamalaking coast guard contingent sa West Philippine Sea (WPS) mula 12 hanggang May 14, 2022, nakapag-monitor na ang PCG ng   25 Filipino fishing boats na nagsasagawa ng fishing activities sa nasabing Isla.

Namahagi naman ng relief supplies at COVID-19 kits ang PCG upang suportahan ang kanilang fishing operations.

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, ang makabuluhang pagdami ng mga mangingisdang Pilipino sa WPS ay nagpapatunay na ang pinaigting na presensya ng PCG ay nagpapalakas ng kanilang kumpiyansa at nagpapadama sa kanila na ligtas at protektado habang nangingisda sa mga katubigan ng mga lugar na ito.

“Through our continuous modernization, we ensure that our kababayans can freely explore our marine resources while protecting our marine environment for the future generations,” dagdag ni Coast Guard Commandant .

Binigyang-diin ni National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) Chairman at National Security Adviser, Secretary Hermogenes Esperon ang pangangailangang hikayatin ang mga mangingisdang Pilipino na ipagpatuloy ang kanilang pakikipagsapalaran sa pangingisda sa WPS.

Binanggit din niya na ang pagtatayo ng fuel depot at ice storage plant sa Pag-asa island ay pagsisikap ng pambansang pamahalaan na tulungan ang mga mangingisdang Pilipino sa lugar.

Samantala, inatasan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ang PCG na tiyakin na matatamasa ng mga mangingisdang Pilipino ang mayamang yamang dagat at ligtas na makauwi sa kanilang mga pamilya.

“The PCG will always be in line with the direction of the national government to protect the country’s sovereign rights and safeguard every Filipino at sea,” ayon kay CG Admiral Abu. Jocelyn Tabangcura-Domenden