Pilot F2F classes tatapusin ngayong Disyembre – DepEd

Pilot F2F classes tatapusin ngayong Disyembre – DepEd

December 9, 2021 @ 3:27 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Sinisilip ng Department of Education (DepEd) na matapos ang pilot implementation ng limitadong face-to-face classes sa basic education sa pagtatapos ng buwan.

Inanunsyo ni Education Secretary Leonor Briones, sa “Bayaninhan, Bakunahan” nitong Huwebes, na target ng DepEd na makumpleto ang pilot implementation ng limitadong in-person classes sa mga piling paaralan sa buong bansa para sa assessment.

“We hope, tapusin na namin itong pilot na ito by December para talagang ma-assess natin nang husto ang success,” ani Briones.

Sinimulan ng DepEd started ang pilot face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan noong Nobyembre 15. Makalipas ang isang liggo, sinimulan na rin ang pilot in-person classes sa mga pribadong paaralan. Mayroong 120 paaralan, 100 dito ay pampubliko habang 20 ang pribado, na kabilang sa pilot run.

Nitong Disyembre 2, sinabi ng DepEd na 177 pang paaralan ang pinayagan na makilahok sa pilot implementation ng limitadong face-to-face classes kabilang ang 28 paaralan sa Metro Manila. Sinimulan ang pilot face-to-face classes sa National Capital Region (NCR) noong Disyembre 6.

“Nagbukas na tayo sa ating mga K to Grade 3 [ng] limited face-to-face classes kasi kailangan na kailangan nila yun,” giit ni Briones.

Sa kasalukuyan ay “very successful” umano ang naturang pilot run ayon mismo kay Briones na ibinalita ring walang naiulat na kaso ng nahawa sa COVID-19 sa pagsasagawa ng naturang programa. RNT/SA