Pilot sites sa face-to-face classes ng bata, pinaplantsa na —Vergeire

Pilot sites sa face-to-face classes ng bata, pinaplantsa na —Vergeire

July 15, 2021 @ 8:49 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pinaplantsa na ng gobyerno ang lugar na pagdarausan ng praktis sa face-to-face classes ng mga bata, ayon sa Department of Health.

Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinaghahandaan na ng gobyerno ang pisikal na pagbabalik ng mga kabataan sa eskwelahan dahil sila ang pinakamababa na tsyansang mahawaan ng COVID-19.

Sa PhilNAST online forum, sinabi ni Vergeire na kinokonsulta na nila ang mga child health expert, ang Philippine Pediatric Society, at technical advisory group ukol dito.

“The plan would be that we would start with the younger age group… because they would have the least risk of getting infected,” ani Vergeire.

Sinabi pa ng health official na nakipag-usap na rin sila sa Inter-Agency Task Force (IATF) ukol dito pero naghahantay pa rin ng pag-apruba.

Kapag ka nakalusot ito sa IATF, ay didiretsyo na sila kay Pangulong Rodrigo Duterte para naman sa kanyang go signal.

Matatandaang makailang ulit nang hindi pinahihintulutan ni Pangulong Duterte ang pagbabalik-klase sa eskwelahan para na rin sa seguridad ng mga estudyante. RNT