Pilot study ng antigen testing sa Pinas ginagawa pa rin

Pilot study ng antigen testing sa Pinas ginagawa pa rin

September 23, 2020 @ 3:06 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Maglalabas ang Department of Health ng omnibus guidelines ng Pilipinas sa pinakabagong COVID-19 response oras na matapos ang pilot study sa antigen testing.

“Kahapon nag-present kami sa IATF (Inter-Agency Task Force on COVID-19) regarding the protocol natin for this pilot use of the antigen (testing) in this city (Baguio) here in the country,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa virtual briefing.

“Ito ay naaprubahan. Ito ay uumpisahan na.”

“Pagkatapos natin makuha itong ebidensya sa pilot use na ito, pwedeng na nating ilabas itong omnibus guidelines natin,” lahad pa nito.

Kinilala naman ang Baguio City bilang site ng pilot study sa antigen testing.

“This is for testing and detection and then isolation and quarantine. And of course management,” paliwanag pa ni Vergeire.

“This will be a whole document where all of these updated strategies will be included.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...