Pilot test ng e-ticketing system sa 3 port, sinisilip ng PPA

Pilot test ng e-ticketing system sa 3 port, sinisilip ng PPA

February 27, 2023 @ 8:24 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinisilip ng Philippine Ports Authority (PPA) na magsagawa ng pilot-testing sa kanilang electronic ticketing system sa tatlong major ports sa bansa kabilang ang Port of Matnog sa Sorsogon at Port of Batangas.

Sa Port of Matnog, sinabi ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago na ang Provincial Government ng Sorsogon ang humiling para sa pagpapatupad nito dahil sa malaking bilang ng pasahero na dadagsa sa mahabang bakasyon at holidays.

Aniya, ang parehong problema ay nangyayari sa Port of Batangas at sa Port of Calapan sa Oriental Mindoro.

“Those will probably be the three terminals that we will test within the year,” ani Santiago.

Sinabi ni Santiago na ito ang solusyon ng PPA upang mapagaan ang pasanin ng mga pasahero lalo na sa mahabang bakasyon sa paaralan at trabaho.

Aniya, ang e-ticketing system ay magtitiyak din ng kaligtasan sa paglalakbay dahil ang programa ay hahantong sa tamang pamamahala sa mga limitasyon ng pasahero at kargamento.

Ayon kay Santiago, nakipag-ugnayan na sila sa shipping lines kaugnay sa e-ticketing implementation.

Aniya, karamihan sa shipping lines ay nagsimula na ng kanilang online platform para sa booking.

“For shipping lines, we have agreed that they will be allowed to continue with their online platform as long as it is integrated with the PPA ticketing system at no cost to them,” pahayag ni Santiago. Jocelyn Tabangcura-Domenden