Pilot test ng ‘register anywhere’ scheme ikakasa ng Comelec sa NCR

Pilot test ng ‘register anywhere’ scheme ikakasa ng Comelec sa NCR

October 11, 2022 @ 3:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Magsasagawa ng pilot test ng “register anywhere” scheme para sa voter registration sa National Capital region o NCR ang Commission on Elections, sabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudingco.

Sa public briefing, sinabi ni Laudiangco na ang bagong scheme ay papahintulot sa mga aplikante na magrehistro sa mga booth sa tukoy na establisimyento tulad ng malls.

Kadalasan ang mga nagpaparehistro ay kailangang pang bumisita sa Comelec office o satellite offices sa lokalidad kung saan sila nakatira.

Sa “register anywhere” scheme, ang aplikasyon ay ipapasa sa Comelec office sa lokalidad kung saan naninirahan ang aplikanteng botante.

“Ang postiong ng iyongh pangalan to comly with the full disclosure and due process doon pa rinb sa miunisipyo mo. .Yung ERB hearing..doon pa rin sa city at municipality mo,” sabi ni Laudingaco.

Ayon pa kay Laudingco, palalawakin ang sistema kung ito ay magtatagumpay sa NCR at naging handa lahat ng technological infrastructure ay iro-roll out ito sa buong Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden