Piloto patay, stude sugatan sa Pangasinan Cessna plane crash

Piloto patay, stude sugatan sa Pangasinan Cessna plane crash

December 15, 2021 @ 1:12 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Patay ang isang piloto habang sugatan naman ang isang estudyante sa bumagsak na eroplano sa Alaminos, Pangasinan ngayong Miyerkoles, Disyembre 15.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), bumagsak ang Cessna 152-type aircraft sa Sual, Alaminos bandang 9 a.m.

Sinabing ang nasawi ay pilot-in-command at ang sugatan ay estudyanteng piloto ng Fly Fast Aviation Academy.

Galing umano ang naturang eroplano sa Lingayen Airport bandang 08:22 AM para sa orientation flight.

Samantala, nagpadala na ang CAAP ng grupo ng imbestigador para tutukan ang insidente. RNT/FGDC