Pimentel kay Garcia: magbanat ka ng buto

Pimentel kay Garcia: magbanat ka ng buto

August 10, 2018 @ 6:19 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Walang plano si PDP Laban President Senator Koko Pimentel na ibigay ang liderato ng partido sa grupo ni Atty. Rogelio Garcia.

Sabi ng senador na okay lang daw kung sa mga kasama nilang naghirap sa pagpapalaki ng partido mapupunta ang liderato, pero hindi sa grupo ni Garcia na nais maka-jackpot agad.

Diin din ni Pimentel, hindi siya kapit-tuko sa pwesto pero hindi niya hahayaan na pakinabangan ng iba ang kanilang itinanim o pinaghirapan.

“Di naman ako kapit tuko sa posisyon at titulo. Pero bakit ba siya ang kakain sa tinanim inani linuto at hinanda namin? Bakit siya? Kung ang kakain at kasama namin naghirap sa pagpapalaki ng partido ay wala tayong masasabi dyan. Wag naman yun short cut at jackpot agad. Magbanat din po ng buto.” pahayag ni senator Koko Pimentel.

Wala rin daw nakikitang dahilan si Pimentel para makipag-ayos siya sa grupo ni Garcia.

Magugunita na noong July 27 ay nagsagawa ng national assembly ang grupo ni Garcia kung saan inihalal ito bilang bagong lider ng PDP laban. Remate News Team