Pimentel kay PBBM: Maglagay ng epektibong DOH chief sa ‘new normal’

Pimentel kay PBBM: Maglagay ng epektibong DOH chief sa ‘new normal’

October 21, 2022 @ 2:31 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Biyernes, Oktubre 21 si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maglagay ng kalihim ng Department of Health na magiging epektibong dalhin ang bansa patungo sa ‘new normal’ o ang pamumuhay kasabay ng virus.

“Then he should appoint his ‘alter ego’ as head of the DOH. Someone who shares the same thinking he just explained. Get an outsider if necessary. But show and shower him or her with all the support for us to be able to ‘live with the virus,'” ani Pimentel.

Tugon ito ng Senador sa sinabi ng Pangulo nitong Huwebes na maglalagay lamang umano siya ng health secretary kapag nakabalik na sa normal ang bansa matapos ang krisis sa COVID-19.

Sa kasalukuyan ay si Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ang umuupo bilang officer-in-charge ng DOH.

“Paabutin natin doon and then we will normalize also the reorganization of the government,” sinabi ni Marcos.

“The reason is I want people to understand that this is the government’s work, not everything is a crisis, so i-normalize natin ang trabaho ng gobyerno. That is what I am trying to do, so that everyday functions are fulfilled, everyday without fuss, without bother, without gulo, without fixers, without paying, ‘yan ang inaayos ko. So that is what I am hoping to get to that point, especially in the DOH and DA,” dagdag niya.

Kaugnay naman ng state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic, naniniwala ang Pangulo na dapat pa itong magpatuloy habang naghahanap pa ng paraan ang pamahalaan na ibalik sa normal ang sitwasyon ng bansa.

“Sa ngayon naghahanap kami ng paraan para ma-normalize na natin at hindi na natin kailangan sabihin na ang Pilipinas state of calamity pa rin,” aniya.

“We have to get away from the emergency stance of the DOH because we have to open up businesses, we have to make the Philippines more hospitable to travelers, both business and tourist,” pagtatapos ni Marcos. RNT/JGC