Pimentel kay Zubiri: ‘Wag kapit-tuko sa posisyon’

Pimentel kay Zubiri: ‘Wag kapit-tuko sa posisyon’

March 11, 2023 @ 1:14 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Sa gitna ng kumakalat na tsismis hinggil sa kudeta laban kay Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri sanhi ng low output at pagkabigong bigyan ng prayoridad ang mga panukalang batas, pinayuhan ni Senate Minority Leader ang liderato ng Kongreso na huwag masyadong “kapit-tuko” sa posisyon.

Ayon sa pahayag ni Pimentel, dating presidente ng Senado na dapat hindi itinatali ng sinmoang lider ang posisyon sa kanilang sarili dahil anumang oras, maaari silang palitan.

“Ang advice talaga dyan sa lahat ng mga magiging Senate president at maging sa speaker of the House: Do not be too attached to the position. Anytime, let it go kung may isang may critical number, ibigay mo,” ayon kay Pimentel.

“Bigay mo na. Siya ang nakabuo ng minimum number ng 13, and then siya na ang mag-steer ng ship at alagaan niya lahat ng mga egos [at] mga interest ng mga kasama niya,” dagdag niya.

Aniya, malaking hamon ang pagmamaneho ng ego at pansariling interes ng bawat miyembro ng Kapulungan.

“Mahina kasi ang party system natin. Wala namang party-backing ang ating mga leaders of Congress. Hindi by party e. At saka kung may party man sya, not sufficient in numbers. There is no guarantee sa stability in the leadership,” paliwanag niya.

Ipinaliwanag ni Pimentel na base sa umiiral na political structure, nakukuha ang suporta para sa Senate president sa pamamagitan ng personal na relasyon at pagkakatagpo ng pangkaraniwang interes sa pamamahala.

Noong nakaraang Martes, kumalat sa Senado ang sinasabing hindi sila nasisiyahan sa performance ni Zubiri kaya’t kamuntik nang mawala ito sa posisyon.

Ayon kay Zubiri, tanging dahilan ng pagpapalit ng liderato ng Senado ang kanyang posisyon sa charter change na isinusulong ni Senador Robin Padilla kaya magkakaroon ng rigodon sa liderato.

Mahigit 10 senador ang personal na nagbigay ng suporta kay Zubiri. Ernie Reyes