Pimentel sa Maharlika fund bill: Hindi naman tayo dapat makiuso

Pimentel sa Maharlika fund bill: Hindi naman tayo dapat makiuso

January 26, 2023 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Koko Pimentel nitong Huwebes ang panawagan ng ilang mambabatas nitong Huwebes na agad na ipasa ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill sa gitna ng mga lumilitaw na isyu hinggil sa panukala.

“We don’t even have a surplus, we don’t even have a new source of wealth, so why the rush? Uso daw. Hindi naman tayo dapat makiuso kung uso yan sa ibang bansa na may budget surplus. Wala po tayong budget surplus,” giit ng senador.

Certified as urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., agad na nakalusot ang proposed Maharlika fund bill sa Kamara sa third and final reading noong Dec. 15, halos dalawang linggo matapos itong unang ipanukala.

Gagamitin ng pamahalaan ang Maharlika fund para mag-invest sa key sectors gaya ng foreign currencies, domestic and foreign corporate bonds, commercial real estate, at infrastructure projects para makatulong sa pagpondo sa priority programs ng pamahalaan.

Bagama’t nai-transmit at natanggap na ito ng Senado noong Dec. 19, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na lumikha ng four-man panel para i-“re-engineer” ang panukala.

Kakalusin sa revised version nito ang dividends mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas bilang capital source. Sa halip ay popondohan ito ng surpluses mula sa government-owned and -controlled corporations bago ilista sa Philippine Stock Exchange at bago magsagawa ng initial public offering, ayon kay Salceda.

Sinabi ni Pimentel na hindi pa nailalagay ang rebisyon sa kasalukuyang Senate version.

Para sa senador, ang “re-engineering” ay indikasyon na may kalituhan sa proponents ng panukala.

“This measure is not justified at all at this moment,” anang senador. “The proponents are very confused, so therefore we can do better things with the time of the Senate.”

Sinabi niya na sa halip ay dapat tutukan ng mga mambabatas ang mga napapanahong panukala, gaya ng magpaparami ng agricultural productivity at tutugon sa inflation. RNT/SA