Pimentel sa Maharlika fund bill: ‘Lack of research’

Pimentel sa Maharlika fund bill: ‘Lack of research’

January 22, 2023 @ 10:49 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpapakita umano ng kakulangan sa research ang mga pinakahuling amyenda sa panukalang batas na magtatatag sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Ito ang puna ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Sabado, Enero 21.

“The brainstorming on a very controversial proposal like a sovereign wealth fund should have been done before the announcement of the plan to the public,” pahayag ni Pimentel.

Ang sinabing ito ng Senador ay pagkatapos sabihin ni Albay Representative Joey Salceda na inalis ng Kamara bilang posibleng source ng MIF ang dibidendo mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at state-run banks.

Matatandaan inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang MIF bill noong Disyembre 15.

“This is not mentioned in the [State of the Nation Address] and is not on the list of [Legislative Executive Development Advisory Council] priorities. Hence, the question is: Where is this coming from? Who thought about this? Capitalists who have diminished incomes because of the slowdown in the world economy?” pagtatanong ni Pimentel.

Nitong Biyernes, Enero 20 ay sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala itong kontrol sa mga isasagawang revision sa approved version ng MIF bill. RNT/JGC