Pimentel sa Palasyo: ‘Wag nang patumpik-tumpik,’ POGO palayasin na

Pimentel sa Palasyo: ‘Wag nang patumpik-tumpik,’ POGO palayasin na

September 19, 2022 @ 4:09 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hiniling ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na dapat hindi na magpatumpik-tumpik ang Palasyo sa pagpapalayas sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na nakakasama sa imahe ng bansa sanhi ng pagkakasangkot nito sa kriminalidad.

Sa pahayag, sinabi ni Pimentel na magandang pangyayari ang pahayag na kasamahan sa Senado partikular si Senador Imee Marcvos na ikinokonadera ang pagbabawal sa POGO sa bansa.

“It’s a welcome development. Coming from the President’s sister herself, I would like to believe that we are moving in that direction of totally halting the operation of POGOs in the country,” ani Pimentel.

Kamakailan, inihayag ni Marcos na pinag-iisipan ng Pangulo na ipagbawal ang POGO sa bansa.

“Let’s prohibit it. POGO is detrimental to the Republic of the Philippines,” ani Pimentel.

“The continued operation of POGOs in the country is dangerous. It is akin to harboring would-be criminals and gangsters that can eventually cause massive disruption of peace and order in the country as we are beginning to see now with the spate of kidnapping incidence and other violent activities related to POGOs,” giit pa ni Pimentel ngayong Lunes, Setyembre 19.

Sinabi ni Pimentel na dapat pakinggan ang panawawan sa total ban sa POGO saka ikinalungkot nan a nagiging playground ng dayuhang kriminal ang ating bansa.

Dahil dito, muling inulit ni Pimentel, chairman ng PDP-Laban ang kanyang panawagan sa gobyerno at Kongreso na gawing illegal ang POGO.

“Kung sa China, where most of these people come from, bawal ang POGOs, why did we open our doors to POGOs?” ani Pimentel.

Hiniling din ni Pimentel sa liderato ng Senado at Mabaang Kapulungahn nag awing prayoridad ang pagbabawal sa POGO.

“Given what we’re seeing now as numerous ill effects of POGOs, the Congress has the moral duty to ban POGOs. We should act now. It will be a bipartisan measure,” aniya.

“We can’t afford to dilly-dally on banning POGOs when the nation’s moral fiber and peace and order are on the line,” giit pa ni Pimentel.

‘’You are the majority. Get your act together. If you say ‘stop POGO’, we will support you,’’ dagdag ng senador. Ernie Reyes