Pinagkainan ni Joshua sa karinderya, pinagkaguluhan!

Pinagkainan ni Joshua sa karinderya, pinagkaguluhan!

February 23, 2022 @ 2:00 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Mukhang hindi lang TikTok entries ni Joshua Garcia ang pinagkakaguluhan kundi lahat na ng kilos o galaw ng aktor.

Nitong nakalipas na araw ay pinagkaguluhan ultimo ang pinagkainan ni Joshua sa isang karinderya sa Bulacan.

Biro ng netizens, “Pakituro kung saang kariderya ‘yan, ‘wag na iligpit ang pinagkaininan niya, gagamitin ko pa.”

Napag-alamang sa ‘Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery’ sa San Jose Del Monte, Bulacan kuha ang photos kung saan nag-shoot umano ang aktor para sa Darna.

Ano kaya ang next na pagkakaguluhan sa kilos ni Joshua?

“Pumila kayo!” Banta ng fans and supporters ng aktor. LOL. Okay, nakapila po. Paula Jonabelle Ignacio