Pinahusay na Early Warning System sa sakuna iiwan ni PDu30

Pinahusay na Early Warning System sa sakuna iiwan ni PDu30

April 12, 2022 @ 4:40 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ng Malakanyang na ang pagpapahusay sa early warning system ng Department of Science and Technology (DOST) ay isa sa mga legacy sa ilalim ng termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sinabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar, maraming monitoring systems na ginamit para sa bagyo at baha ang naikabit o naitatag simula nang magsimula ang termino ni Pangulong Duterte noong 2016.

Tinukoy nito ang data mula sa DOST, sinabi ni Andanar na ang departamento sa ngayon ay may kabuuang 17 doppler radar stations “as of June 2021.”

Hunyo 2016, ang DOST ay mayroon lamang 10 doppler radar stations na ginamit para sa tropical cyclone at rain monitoring.

Ang DOST ay mayroong 29 high-frequency doppler radars na ginamit para sa sea wave monitoring “as of June 2021.” Hunyo 2016, ang DOST ay wala ng high frequency doppler radars.

Itinaas din ng departamento ang bilang ng flood forecasting at warning systems sa river centers mula Hunyo 5, 2016 hanggang Hunyo 15, 2021.

Ang Flood forecasting at warning systems river centers ay ginamit para sa monitoring water levels sa river basins.

“Napakahalagang Duterte legacy ito para malakas ang ating climate at disaster resilience,” ayon kay Andanar.

Ang Early warning systems ay tumutukoy sa hydrometeorological devices (hydromet) at warning stations na ikinabit sa ilang hazard areas sa bansa upang kumolekta ng weather risk data na gagamitin para tulungan ang real time disaster mitigation efforts.

Sa 11 a.m. update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sinabi nito na si cyclone Malakas, ngayon ay pinaigting na typhoon status, ay pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) , Martes ng umaga.

“Malakas” na may local name Typhoon Basyang, ay kasama na ng Tropical Depression Agaton (Megi) sa loob ng PAR.

Samantala, tiniyak ng gobyerno sa publiko na mahigpit na mino-monitor nito sina “Basyang” at “Agaton”, hinikayat ang publiko lalo na ang mga apektadong lugar na manatiling bigilante. Kris Jose