PINAIGTING NA CRIME-DRIVE NG MALABON-PS

PINAIGTING NA CRIME-DRIVE NG MALABON-PS

August 9, 2022 @ 4:31 PM 2 months ago


SA talaan ng Malabon City Police Station, ilang wanted persons ang nahulog sa kamay ng mga
operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Intelligence Section matapos ang isinagawang
simultaneous anti-criminality law enforcement operations.

Isa sa naaresto ay si Junriel Francisco, 28,  na matagal nang hinahanap ng awtoridad dahil
sa kasong rape, alinsunod na rin sa warrest of arrest na ipinalabas ni Judge Josie Rodil ng
Regional Trial Court Branch 23, Malabon City.

Maliban  kay Francisco, ilan pang wanted persons na may kasong illiegal possession of
firearms, estafa, illegal gambling, robbery at iba  pang criminal cases ang nadakip ng mga
tauhan ng MCPS.

Sa drug operations,  nabuwag ng intelligence ng anti-narcotics team ng MCPS ang ilang
grupo ng drug dealers at pushers na nag-ooperate sa CAMANAVA area na nagresulta sa
pagkakakumpiska ng milyong halaga ng droga.

Isa rito ay ang neutralization ng notoryos na ‘Pontillas Drug Group’ na kinabibilangan ng
magkapatid na drug personalities na sina  Emiliano Pontillas,  a.k.a. Jonjon Tisoy at  Meliton
Pontillas, na kilala sa alias na ‘Tonton’.

Ang pagkadakip ng wanted felons na ito ay alinsunod sa pinaigting na anti-criiminality
campaign na ipinag-utos ni MCPS chief of police Col. Albert Barot at Northern Police district
director PBGen. Ulyssis Cruz.

Good job MCPS.
***

MCPS OUTREACH PROGRAM

Bukod sa pinaigting na anti-criminality campaign, walang oras na sinasayang ang mga
operatiba ng MCPS sa pag-iikot sa mga kasuluksulukan ng 21 barangay ng lungsod para isagawa
ang kanilang ‘Outreach Program’.

Kamakailan lamang ay sumugod ang mga tauhan ng Malabon Police sa Brgy. Potrero
para isaganap ang ‘Outreach Program’ na tinawag nilang ‘Ugnayang Pulisya at Komunidad
Tungo sa Mapayapa at Maunlad na Pamayanan’.

Dahil sa napipintong Face to Face classes, ang personnel ng MCPS ay  sinimulan nang
isagawa ang outreach program sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidades, isa rito ang pag-asiste
sa mga guro na nagsasagawa ng ‘Brigada Eskwela’.

 Isa sa highlight ng programa ay ang paglilinis sa mga eskuwelahan ng mga guro at mga
magulang, city hall employee at mga  kapulisan bilang paghahanda sa darating na pasukan
ngayong buwan.