Pinaiksing quarantine inirekomenda ng WHO sa mga bakunado

Pinaiksing quarantine inirekomenda ng WHO sa mga bakunado

July 6, 2021 @ 12:46 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Inirekomenda ng World Health Organization na paiksiin ang quarantine sa mga bakunadong indibidwal, ayon kay WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe.

Sinabi ni Abeyasinghe na ang mga indibidwal na nakatanggap ng dalawang dose ng bakuna ay mababawasan ang tyansang makahawa ng sakit

“In light of this, we are recommending that countries could consider reducing quarantine period for people who have been fully-vaccinated,” aniya.

“If you are immune or fully-vaccinated or you have had a recent infection within the last 6 months, that should suffice for persons to have a lower period of quarantine.”

Ngunit ayon sa kinatawan, kinikilala nito ang “risk-based approach” ng gobyerno.

Pinaiksi ng Malakanyang sa pitong araw ang quarantine period sa mga bakunadong mula sa “green countries” o mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.

Ito ay mula sa sampung araw na quarantine period.

Iginiit din ng WHO na hindi batayan ang vaccination status ng isang indibidwal sa pagpasok sa isang bansa o lugar.

“That would be unfair at this point point of time given the inequity that countries face globally in accessing vaccines,” ani Abeyasinghe.

Sinabi rin ng opisyal na dapat pantay ang pagkilala sa mga bakuna na may emergency use listing.

“The emergency use listing procedure does a very stringent evaluation of vaccines. If they have received that emergency use listing status, we are urging countries to recognize people who received the vaccine,” punto nito.

“In fairness to countries we also need to give them time to evaluate these products…This is an ongoing process and WHO respects the independence and sovereignty of countries to do their own evaluation.” RNT/ELM