Pinakabagong missile test ng NoKor kinondena ng Pinas

Pinakabagong missile test ng NoKor kinondena ng Pinas

June 2, 2022 @ 10:53 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinondena ng Pilipinas ang panibagong missile test na ginawa ng North Korea.

Sa ipinalabas na kalatas ng Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi nito na maaring maapektuhan ng naging hakbang ng North Korea ang kapayapaan sa Korean Peninsula.

“The Philippines condemns the latest missile test by the DPRK (Democratic People’s Republic of Korea) on May 25 2022, which undermines peace and stability in the Korean Peninsula, the entire region and the world,” ayon sa DFA.

Sa kabilang dako, nanawagan ang Pilipinas sa North Korea na sumunod sa mga obligasyon na itinakda sa mga resolusyon ng United Nations Security Council.

Hiniling din ng Pilipinas sa Northe Korea na makipagkasundo para sa mapayapang pag-uusap.

Bukod sa Pilipinas, kinondena rin ng Estados Unidos ang muling pagpapalipad ng tatlong ballistic missiles ng North Korea.

Ayon sa tagapagsalita ng States Department na dapat tigilan na ng Democratic People’s Republic of Korea ang kanilang pagpapalipad ng ballistic missiles.

Hinikayat din nito ang North Korea na magkaroon sila ng mapayapang pag-uusap.

Iginiit ng US na ang ginawa ng North Korea ay isang paglabag sa United Nations Security Council at banta rin sa rehiyon. Kris Jose