Pinakabagong OCTA Research survey, ikinatuwa ng Palasyo

Pinakabagong OCTA Research survey, ikinatuwa ng Palasyo

January 27, 2022 @ 3:16 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Malakanyang ang pinakabagong resulta ng OCTA Research December 2021 Tugon ng Masa National Survey na nagbibigay diin sa dalawang mahalagang puntos.

Tinukoy ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pagbaba sa 5% ng COVID-19 vaccine hesitancy sa mga adult filipino at tanging 2% lamang ng adult Filipino ang nahawaan ng COVID-19 matapos na maging fully vaccinated.

“This is incontrovertible evidence that COVID-19 vaccines protect us, our loved ones, and our communities from the virus. It also emphasizes that vaccination is a step towards the right direction in our efforts to restore normalcy,” ayon kay Nograles.

“As of January 26, 2022, we have administered a total of 125,089,118 vaccine doses. More than 58.1-M Filipinos are now fully vaccinated. Having said this, we will continue to explore different methods to make vaccines more accessible to our people—such as the Resbakuna sa Botika Drive and the We Vax as One Mobile Vaccination Drive for Transport Workers—as part of our goal to inoculate 90 million Filipinos by the end of the term of President Rodrigo Roa Duterte.”

Sa ulat, tanging 5% lamang ng adult filipino ang hindi sang-ayon na mabakunahan ng covid 19.

Ang OCTA survey ay isinagawa noong Disyembre 7 hanggang 12 noong nakaraang taon, nagpapakita na tanging 5% ng adult Filipino ang aayw na magpabakuna laban sa COVID-19 na mas mababa sa 22% adult Filipino noong Setyembre 2021.

Ang vaccine hesitancy ay nananatiling mataas sa Visayas at Mindanao na mayroong 9% bawat isa, sinundan ng National Capital Region at Balance Luzon na may 3% bawat isa.

“Across socioeconomic classes, adult Filipinos in Class D and E have posted a higher percentage of vaccine hesitancy at 6% compared with only 4% for class ABC,” ayon sa survey.

Samantala, ipinakita rin ng OCTA poll na may 2% ng adult Filipino ang nahawaan ng COVID-19 matapos na maging fully vaccinated o makompleto ang kanilang vaccine dosage.

“The highest percentage of adults contracting COVID-19 after full vaccination was recorded in Balance Luzon at 3%, followed closely by Mindanao and Metro Manila at 2% and 1%, respectively.”

Sa kabilang dako, 98% ng fully vaccinated adult Filipino ay hindi nahawaan ng COVID-19 virus matapos makompleto ang kanilang vaccine dosage. Kris Jose