Pinakamababang paglago ng populasyon sa Pinas, bunsod ng pandemic anxiety – POPCOM

Pinakamababang paglago ng populasyon sa Pinas, bunsod ng pandemic anxiety – POPCOM

January 20, 2022 @ 7:30 AM 7 months ago


MANILA, Philippines — Maitatala sa Pilipinas ang pinkamababang paglago ng populasyon sa nakalipas na 75 taon, ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM).

Giit ng POPCOM na ang dahilan nito ay sa tinatawag na pandemic anxiety kung saan mas pinipinili ng mag-asawang Pilipino na hindi muna mag-anak bunsod ng mga hindi kasiguraduhang dulot ng pandemya.

Sa isang online forum, sinabi ni POPCOM Executive Director Juan Perez said na tumaas ang paggamit ng family planning sa 2020.

Dagda pa niya na mayroon pang ilang lugar sa bansa kung saan nagkakandaubusan ang mga ipinapahaging pills at condoms ng government health centers.

Sa pagtataya ng POPCOM, aabot lang sa 0.3% o halos 300,000 ang nilago ng populasyon sa 2021 — ito na ang pinakamababa sa nakalipas na 75 taon.

“Women are opting not to have children during this time when you have a health as well as an economic crisis,” ani Perez.

Sinabi naman ni Psychiatrist Dr. Babes Arcena na ang nararanasang stress at anxiety bunsod ng pandemya ay naging sanhi ng kawalan ng intimasiya sa mag-partner.

“Sexual intimacy is being taken aside because there are a lot of issues that you have to deal with,” ani Arcena.

Isa pang dahilan ay ang mas mdalas na paglagi ng mga myembro ng pamilya sa bahay bunsod ng pandemya, dahilan para mawalan ng pagkakataon ang mag-asawa sa pakikipagtalik.

Dagdag pa ang responsibilidad sa mga magulang na tutukan ang kanilang mga anak dahil sa online class.

“Parents assumed different roles so pagod na sila pagdating ng gabi so wala nang energy,” dagdag pa ni Arcena.

Sa kabila nito, kinokonsidera ng POPCOM na ang mabagal na paglago ng populasyon ay mabuting bagay.

“Increased family planning leading to lower population growth is actually what we were working for but around 2025 was when we thought it would happen. The COVID situation brought it on much earlier,” ani Perez. RNT