Pinakamahabang kuko sa buong mundo, nasa museum na!

Pinakamahabang kuko sa buong mundo, nasa museum na!

July 13, 2018 @ 8:34 AM 5 years ago


 

New York – Pumayag nang ipaputol ng lalaking may hawak ng Guinness record na ‘longest fingernails in one hand’ ang kaniyang napakahabang kuko para i-display sa museum ng Ripley’s Believe It or Not sa New York.

Guinness record holder for the ‘longest fingernails in one hand’ displayed at Ripley’s Believe It or Not museum in New York.

Siya ay si Shridhar Chillal, 82-anyos, mula sa India.

66 na taon daw ang kaniyang ginugol para mapahaba ng nasa 909.6 centimeters ang kaniyang mga kuko sa sa kaliwang kamay, pinakamahaba sa kaniyang hinlalaki na may sukat na 197.8 centimeters.

Kapag pinagsama-sama ang sukat ng kaniyang mga kuko, aabot ito ng halos 29ft 10.1 inches, kasing haba ng isang bus sa London.

Sa kuwento ni Chillal, nagsimula siyang magpahaba ng kuko noong siya ay 14-anyos pa lang. Bakit? Aksidente kasi nilang nabali ang kuko ng kanilang guro noong bata pa siya

“I don’t know whether the teacher is dead now or not but I would definitely like to say that the thing for which you scolded me, I took it as a challenge and I have completed the challenge and now, I am here,” saad ni Chillal.

Dagdag niya, pumayag siyang ipaputol na ang kaniyang mga kuko dahil alam niyang iingatan ito ng Ripley’s.

“When I decided to cut my nails, it was difficult for me to make this decision, but when I realized that after cutting my nails, my nails will be at Ripley’s Believe It or Not! and they’re going to maintain it very nicely and for a lifetime, then I felt like I was doing the right decision and that’s why I decided to cut my nails,” pahayag niya. (Remate News Team)