Pinakamahal na Burger sa mundo, matitikman sa halagang €5,000!

Pinakamahal na Burger sa mundo, matitikman sa halagang €5,000!

July 13, 2021 @ 8:04 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Nagkakahalaga ang ‘world’s most expensive burger’ ng ₹ 4.5 lakh o €5100.66. Isang orihinal na ideya ni Chef Robbert Jan de Veen na tinawag n’ya pang “The Golden Boy”.

Matatagpuan ang burger na ito sa De Daltons diner, Voorthuizen, Netherlands kung saan nagtatrabaho si Chef Veen.

Ayon sa official website ng diner, ang nagresulta sa mataas na presyo ng burger na ito ay ang paggamit nila ng mga sangkap na Beluga caviar, king crab, Spanish Paleta Iberico, white truffle, at English Cheddar cheese. Ang barbeque sauce ay gawa naman sa Kopi Luwak, isa sa mga pinakamahal na coffee beans sa mundo. Ang tinapay ay gawa naman sa Dom Pérignon champagne dough na may gold leaf toppings.

Batay kay Veen, ang paggawa niya sa burger na ito ay bunsod ng kanyang depresyon at pagkalungkot sa dinaranas ng masa at ng industriya ng restawran sa panahon ngayon. –RNT/Ethel Mangao -trainee