Pinakamahal na sandwich sa mundo, mabibili ng $214!

Pinakamahal na sandwich sa mundo, mabibili ng $214!

July 21, 2021 @ 3:09 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

NEW YORK – Nagkakahalaga ng $214 ang tinaguriang pinakamahal na sandwich sa buong mundo – tala na wala pang nakatatalo sa loob ng pitong taon.

Tinawag ang dalawang pirasong French Pullman champagne bread sandwich na ito na “Quintessential Grilled Cheese” at matatagpuan ito sa Serendipity 3 restaurant sa New York.

Simple lang kung titignan ang itsura ng tinapay, ngunit taglay nito ang ilang pinaka eksklusibong sangkap sa mundo gaya na lamang ng Dom Perignon champagne, white truffle butter, ang pangunahing sangkap na Caciocavallo Podolico cheese na nagmula pa sa Italy na nakapagitna sa dalawang tinapay at ang gold flakes na palamuti at maaaring kainin.

Ito ay ipinagsisilbi sa mga kostumer kasama ang tasa ng South African Lobster Tomato Bisque dipping sauce sa Baccarat Crystal plate.

“We came up with the number through pricing out all of the ingredients- of course, they are the most expensive and exclusive ingredients in the world,” ayon sa chef ng Serendipity 3 na si Joe Calderon.

Batay pa sa kanya, ang sandwich na ito kinakailangang i-order 48 oras na mas maaga dahil ang lahat ng sangkap ay espesyal na ibabyahe pa sa himpapawid.

“The sandwich needs to be ordered 48 hours in advance because all of these ingredients are flown in especially for your order. When you take a bite of the sandwich, you taste the crispiness of the bread, the Dom Pérignon champagne that’s baked into the bread, the creaminess of the white truffle butter and then the cheese- it’s superb.” dagdag ni Calderon.

Ang Serendipity 3 restaurant ay hindi lamang kilala bilang may hawak ng Guiness World Record para sa pinakamahal na sandwich sa buong mundo, hawak rin nila ang pinakamahal na desert, hamburger at hotdog. 

Matatagpuan rin dito ang pinakamalaking wedding cake at pinakamalaking tasa ng hot chocolate. -RNT/Ethel Mangao -trainee


  •  
  •  
  •