Pinakamaiksing araw, pinakamahabang gabi sa Pinas, magaganap ngayong Huwebes

Pinakamaiksing araw, pinakamahabang gabi sa Pinas, magaganap ngayong Huwebes

December 22, 2022 @ 4:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mararanasan sa Pilipinas ang pinakamaiksing araw at pinakamahabang gabi ng taon ngayong Huwebes sa pag-abot ng araw sa most southerly point dahil sa December Solstice, ayon sa PAGASA.

“During the December Solstice, the northern hemisphere will experience the shortest day and longest night; this day also marks the first day of winter. Consequently, in the southern hemisphere, this day marks the first day of summer,” pahayag ng state weather bureau.

Dahil dito, mararanasan ang mas maiksing daylight hours sa Northern Hemisphere, kung saan naroon ang Pilipinas.

Naganap ang December Solstice ngayong araw, December 22, 2022, alas-5:48 ng umaga. RNT/SA