Pinakamalaking bilang ng bagong kaso ng HIV, naitala sa Metro Manila

Pinakamalaking bilang ng bagong kaso ng HIV, naitala sa Metro Manila

May 8, 2019 @ 10:31 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Naitala sa Metro Manila ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa lahat ng rehiyon sa bansa nitong Pebrero 2019.

Sa pinakabagong datos ng Department of Health, 1,013 ang naitalang bagong kaso ng HIV sa buong bansa nitong Pebrero ngayong taon.

32% o katumbas ng 328 na bagong kaso nito ay naitala sa National Capital Region na sinundan ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na mayroong 17% o 171 kaso.

Gayundin, kinakitaan ng pagtaas ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na positibong nagtataglay ng human immunodeficiency virus (HIV).

READ: Bilang ng OFW na may HIV, lumobo

Batay sa record ng ACTS-OFW party-list mula sa dating bilang na 72 ay nasa 88 na ito o 22 porsyento taas sa kaparehong petsa noong isang taon noong isang taon.

“The February cases brought to 6,433 the cumulative number of OFWs found living with HIV since the government began passive surveillance of the virus in 1984,” ayon kay ACTS-OFW Rep. Aniceto Bertiz III./Remate News Team