Pinakamalaking eroplano sa mundo winasak ng Russia sa Ukraine

Pinakamalaking eroplano sa mundo winasak ng Russia sa Ukraine

March 1, 2022 @ 3:51 PM 4 months ago


Kyiv – Winasak na nang tuluyan ng mga pwersa ng Russia ang pinakamalaking eroplano sa mundo na pag-aari ng Ukraine.

Ginawa ang pagwasak sa Antonov-225 cargo plane sa mismong kinalalapagan nito na Gostomel airport na malapit lang sa Kyiv na kapital ng Ukraine.

May haba na 84 meter, kayang kumarga ang Antonov 225 ng 250 tonelada at may bilis na takbo itong 850 kilometro kada oras.

Ang Russia mismo ang may gawa ng eroplano at binili ng pamahalaang Ukraine saka tinawag Mria o pangarap ng bansa.

Makaraan ang pangyayari, sinabi Ukraine Foreign Minister Dmytro Kuleba na nasira man ng Russia ang Mria, hindi nito masisira ang pangarap ng bansa nila bilang  malaya, malakas at demokratibon at magtatagumpay rin umano sila sa digmaan.

Kung kukumpuniin ang eroplano, maaaring gagastos umano ang Ukraine ng $3 bilyon at mabubuo ito sa loob ng limang taon.

Pinakahuling gamit ng eroplano ang pagbiyahe ng lahat ng may kaugnayan sa coronvirus disease-19. RNT