Pinakamalaking intercontinental ballistic missile, pinakawalan ng NoKor

Pinakamalaking intercontinental ballistic missile, pinakawalan ng NoKor

March 17, 2023 @ 11:46 AM 2 weeks ago


NORTH KOREA – Sinabi ng North Korea na pinakawalan nila nitong Huwebes, Marso 16, ang pinakamalaking Hwasong-17 intercontinental ballistic missile (ICBM).

Ito ay bahagi ng kanilang drill upang ipakita ang “tough response posture” sa nagpapatuloy na US-South Korea military drills.

Sa larawan na inilabas nitong Biyernes, Marso 17, makikita si Kim Jong Un, kasama ang anak, na pinagmamasdan ang pagpapakawala ng naturang missile.

Pinakawalan ng North Korea ang ICBM sa dagat na nasa pagitan ng Korean peninsula at Japan nitong Huwebes, ilang oras bago lumipad ang pangulo ng South Korea patungong Japan para sa summit na pag-uusapan ang pamamaraan upang kontrahin ang nuclear activity ng bansa.

“The launching drill of the strategic weapon serves as an occasion to give a stronger warning to the enemies intentionally escalating the tension in the Korean peninsula while persistently resorting to irresponsible and reckless military threats,” ayon sa state news agency na KCNA.

Nitong Lunes ay nagsimula na ang 11 araw na joint drills sa pagitan ng South Korean at American forces na tinawag na “Freedom Shield 23.”

Dahil dito, inakusahan ni Kim ang Estados Unidos at South Korea na nagpapalala ng tensyon sa rehiyon dahil sa military drill.

“He stressed the need to strike fear into the enemies, really deter war and reliably guarantee the peaceful life of our people and their struggle for socialist construction by irreversibly bolstering up the nuclear war deterrent,” saad pa sa ulat ng KCNA. RNT/JGC