Pinakamalaking monthly collection sa kasaysayan naitala ng BOC

Pinakamalaking monthly collection sa kasaysayan naitala ng BOC

July 2, 2022 @ 12:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Para sa buwan ng Hunyo 2022, muling naitala ng Bureau of Customs (BOC) ang pinakamalaki nitong monthly collection sa kasaysayan na umabot sa P76.290 bilyon base sa preliminary report mula sa BOC Financial Service.

Nahigitan nito ang P56.287 bilyong target ng mahigit 35.5 porsyento, o halos P20.003 bilyon.

Gayundin, nalampasan ng Customs ang nakaraang highest monthly collection record na P70.778 bilyon para sa Marso 2022.

Kabilang sa revenue collection para sa Hunyo ang additional revenues mula sa Tax Expenditure Fund (TEF) na nagkakahalaga ng P301 milyon at Post Clearance Audit Group (PCAG) collection na P115.97 milyon.

Batay sa preliminary report, 14 sa 17 collection districts ang lumampas sa collection targets kabilang ang: San Fernando, POM, MICP, Batangas, Legaspi, Iloilo, Cebu, Surigao, Zamboanga, Davao, Subic. Clark, Aparri, at Limay. RNT/SA