Pinakamalaking Passenger Terminal Building sa Pinas, bubuksan ngayong taon

Pinakamalaking Passenger Terminal Building sa Pinas, bubuksan ngayong taon

January 10, 2023 @ 7:20 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Bubuksan na ngayong taon ang pinakamalaking passenger terminal building (PTB) sa buong Pilipinas.

Sa pag-inspeksyon ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago sa Port of Calapan sa Oriental Mindoro, sinabi nito na malaking bagay sa pasahero ang malaking terminal dahil kaya nitong mag-accommodate ng 3,500 na pasahero sa kahit anong oras.

Ayon sa kay Engr. Elvis Medalla, Port Manager ng PPA Port Management Office Mindoro, moderno ang bagong PTB at kalagayan ng mga tao ang kinonsidera dito.

Ang pinakabagong PTB ay mayroong prayer room, breastfeeding station, children playroom, clinic, at modernong elevator at escalator na magagamit ng mga pasahero.

Nagkakahalaga ang proyekto ng P353 milyon at may target completion date na Pebrero 18, 2023 o 720 calendar days.

Sinabi ni Santiago na base sa assessment ng Port Management Office ng Mindoro, ang completion rate ng PTB ay advance o ahead sa completion ng 17% at ito ay ating pasisinayaan sa Marso ngayong taon.

Ang bagong PTB ay magbibigay ng malaking kaginhawaan sa mga pasahero sa Calapan para mas maging kaaya-aya ang kanilang biyahe at maiwasan ang mahabang pila gaya nitong kapaskuhan. Jocelyn Tabangcura-Domenden