Pinakamalamig na temperatura, naitala sa Baguio nitong Pasko

Pinakamalamig na temperatura, naitala sa Baguio nitong Pasko

December 26, 2022 @ 7:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naitala ang pinakamalamig na temperatura nang magsimula ang northeast monsoon, na kilala rin bilang “amihan,” sa Baguio City nitong Pasko, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa PAGASA, ang northeast monsoon ay malamig na hangin mula sa northeast na kadalasang nagpapaulan sa silangang bahagi ng bansa.

“Kanina nga pong umaga ay narecord natin ‘yung pinakamababang temperatura since nagsimula ang amihan season dito sa Baguio City at 12.2 degrees celsius,” ani PAGASA weather specialist Rhea Torres.

Inaasahang magpapatuloy ang malamig na temperatura hanggang ngaying Lunes– kung saan inaasahang aabot ang temperatura sa Baguio sa pagitan ng 12 hanggang 21 degrees celsius.

Inihayag din ng state weather bureau na narito ang temperature range sa key cities/areas sa bansa para sa Lunes:

  • Metro Manila: 23 to 30 degrees Celsius

  • Baguio City: 12 to 21 degrees Celsius

  • Laoag City: 20 to 29 degrees Celsius

  • Tuguegarao: 18 to 23 degrees Celsius

  • Legazpi City: 22 to 28 degrees Celsius

  • Puerto Princesa City: 25 to 30 degrees Celsius

  • Tagaytay: 19 to 28 degrees Celsius

  • Kalayaan Islands: 25 to 30 degrees Celsius

  • Iloilo City: 24 to 29 degrees Celsius

  • Cebu: 29 to 29 degrees Celsius

  • Tacloban City: 23 to 28 degrees Celsius

  • Cagayan De Oro City: 24 to 29 degrees Celsius

  • Zamboanga City: 23 to 31 degrees Celsius

  • Davao City: 24 to 31 degrees Celsius. RNT/SA