Pinakamalamig na temperatura sa Baguio, Maynila naitala ng PAGASA

Pinakamalamig na temperatura sa Baguio, Maynila naitala ng PAGASA

December 5, 2021 @ 4:36 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Naitala ng  state weather bureau nitong Linggo ang pinakamababang temperatura sa kasalukuyan sa Baguio City at Metro Manila sanhi ng northeast monsoon.

Base sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), bumagsak sa 11.4  degrees Celsius bandang alas-4:50 ng madaling araw ang temperatura sa Baguio City habang naitala naman sa 20.4 degrees Celsius kaninang alas-6:15 ng umaga sa Science Garden sa Quezon City .

“Ito ang pinakamababang record for both stations ngayon Amihan so far,” pahayag ni PAGASA weather specialists Ariel Rojas sa isang social media post.

Batay sa PAGASA, ang top 10 stations na ankapagtala ng pinkamabababang temperatura kaninang umaga ay ang mga sumusunod:

  • Baguio City, Benguet (11.4 ℃, 4:50 a.m.)

  • Basco, Batanes 17.0 ℃, 8 a.m.)

  • Tanay, Rizal (17.8℃, 6 a.m.)

  • Casiguran, Aurora (18.8℃, 7:55 a.m.)

  • Tuguegarao City, Cagayan (19.0℃, 4 a.m.)

  • Abucay, Bataan (19.1℃, 5 a.m.)

  • San Jose, Occidental Mindoro (19.6℃, 5 a.m.)

  • Malaybalay, Bukidnon (20.0℃)

  • Science Garden, Quezon City (20.4℃, 6:15 a.m.)

  • Baler, Aurora (20.6℃, 5:30 a.m.)

Inanunsyo rin ng PAGASA na inaasahang magdadala ng maulap na kalangitan  at mahinang pag-ulan ang Amihan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora at hilagang bahagi ng Quezon, kabilang na ang Polillo Islands.

Inaasahang ding magdudulot ito ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated light rains sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa. RNT/SA