Pinakamaraming bagong kaso ng COVID noong Apr.26-May 2 naitala sa NCR, Calabarzon, Central Luzon

Pinakamaraming bagong kaso ng COVID noong Apr.26-May 2 naitala sa NCR, Calabarzon, Central Luzon

May 3, 2022 @ 3:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nangunguna ang National Capital Region, Calabarzon at Central Luzon sa mga rehiyon sa bansa na nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 noong Abril 26 hanggang May 2.

Sa datos ng Department of Health, nakapagtala ang NCR ng 573 na bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing panahon habang 180 sa Region 4-A at 110 sa Region 3.

Top areas naman para sa new COVID cases ang Quezon City na mayroong 109; Maynila, 82; at Cavite, 70.

Ksabay nito, nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na tanging Omicron BA.2.12 at BA.2.3 subvariants pa lamang ang nade-detect sa Pilipinas.

Ayon sa kalihim, bagama’t 10% hanggang 20% na mas mabilis makahawa ang mga nasabing subvariants ay wala pa namang matibay na ebidensyang magpapakita na mas malubha ang epekto nito sa tao.

Wala rin aniyang sapat na datos na nagsasabing may kakayanan ang mga naturang subvariants na makalusot sa proteksyong ibinibigay ng COVID-19 vaccines. RNT/ JCM