Pinakamaraming botante sa May 2022 elections, millennials!

Pinakamaraming botante sa May 2022 elections, millennials!

April 7, 2022 @ 6:59 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nalampasan ng mga mas batang botante ang bilang ng mga botanteng nasa ibang henerasyon na inaasahang lalahok sa halalan sa Mayo 9.

Sa datos, lumalabas na 56% ng mga botante ay mula sa hanay ng mga Millennials (edad 26-41) at Gen Z (edad 18-25).

Sa nasabing bilang, 23.9 million o 36.4% dito ay mga millennial habang 13 million o 20% ay Gen Z.

“If the youth can get it’s act together, it can become a very significant voting bloc. The youth are aware of how important it is to select the leaders of our coming government,” saad ni Commission on Elections spokesperson James Jimenez.

Samantala, 16.7 million naman o 25.5% ng kabuuang bilang ng mga rehistradong botante ay mula sa hanay ng Generation X (edad 42-57).

Ang mga Baby Boomer, Silent Generation, at Greatest Generation ang may pinakamababang bilang na nasa 11.9 million o 18%.

Nabatid na umabot sa 65.7 milyong mga botante ang nagparehistro sa Comelec para sa 2022 elections.

Mas mataas ito kumpara sa 61.million na naitala noong 2019.

Ayon sa Comelec, ang pagtaas sa bilang ay dahil sa mga first-time voters na nasa 7 milyon. RNT/ JCM