Pinakamataas na bilang ng pasahero sa 24 oras naitala ng MRT-3

Pinakamataas na bilang ng pasahero sa 24 oras naitala ng MRT-3

February 16, 2023 @ 8:23 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng pasahero mula pa noong pandemya ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3) na umabot sa 408,259 nitong Martes.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito na ang pinakamataas na bilang ng pasahero na naitala sa loob lamang ng isang araw mula nang muling ipagpatuloy ang operasyon ng serbisyo nito Hunyo 2020.

Sa Facebook page nitong Miyerkules, binanggit ng MRT -3 na ang pagtaas ng ridership araw-araw ngayong Penrero, na may rekord na 400,182 daily passengers noong Peb.1, at nalagpasan pa noong Feb.8 na nasa 403,128 pasahero.

“Mayroong average na bilang na 18 train sets na tumatakbo sa mainline tuwing peak hours,” ayon sa post ng MRT-3.

Ayon sa MRT-3, kinilala ng I-ACT ang malaking kontribusyon ng MRT-3 na nagpapahintulot sa mga commuter ng EDSA Busway na gumamit ng mga pasilidad ng rail service para sa isang epektibo at abot-kayang sistema ng transportasyon,

Ang I-ACT ay inter-agency body sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) at pinangunahan ni I-ACT chief Charlie Del Rosario. Jocelyn Tabangcura-Domenden