Pinakamataas na daily vaccination naitala

Pinakamataas na daily vaccination naitala

July 14, 2021 @ 5:11 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pumalo sa 375,059 dose ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang naiturok nitong Martes, pinakamataas na bilang na naitala sa isang araw.

“We are starting to get closer to our goal of 500,000 jabs a day and if we are able to do that, we will be able to reach our 70% target population. That’s around 70 million Filipinos to have their first dose in about 130 days,” ani Health Secretary Francisco Duque III sa pre-SONA forum.

“Hopefully, another two, three months to complete the second dose for the same population of 70 million Filipinos and by then, hopefully, we shall have reached our herd immunity,” dagdag ng kalihim.

Sinabi rin ni Duque na halos 14 milyong dose na ang naiturok sa buong bansa.

Ngayong araw, muling nakatanggap ng isang milyong dose ng Sinovac vaccine ang bansa habang mas marami pang suplay mula sa iba pang brand ang inaasahang ngayong buwan. RNT/ELM