Pinakamataas na heat index, naitala sa Dagupan City, Pangasinan
May 1, 2022 @ 10:45 AM
2 months ago
Views:
230
Remate Online2022-05-01T10:45:13+08:00
MANILA, Philippines – Naitala ng PAGASA ang pinakamataas na heat index temperature sa Dagupan City, Pangasinan kahapon April 30.
Umabot sa 50 degrees Celsius ang heat index sa lungsod na naitala dakong alas-5:00 ng hapon.
Ang heat index ay tumutukoy sa temperatura na nararamdaman ng isang tao na taliwas naman sa aktwal na air temperature.
Ilang lugar din sa bansa ang nakapagtala ng heat index na mas mataas pa sa 40 degrees Celsius kabilang ang:
-
Aparri, Cagayan: 46ºC at 5 p.m.
-
Laoag City, Ilocos Norte: 44ºC at 2 p.m.
-
Casiguran, Aurora: 42ºC at 2 p.m.
-
Masbate City, Masbate: 42ºC at 1 p.m.
-
NAIA, Pasay City: 42ºC at 1 p.m.
Mula March 1 hanggang April 30, naitala rin sa Dagupan City ang pinakamataas na heat index na pumalo sa 54ºC alas-2 ng hapon ng April 22.
Sa klasipikasyon ng PAGASA, “danger” zone ang mga lugar na may heat index na 42ºC hangang 51ºC at “extreme danger” naman kapag 52ºC at pataas.
Sa mga lugar na may heat index na danger zone, maaaring makaranas ang mga residente ng heat cramps at heat exhaustion, at posibleng atakihin ng heat stroke.
Sa mga lugar naman na nasa extreme danger, malaki rin ang tiyansang makaranas ng heat stroke.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na limitahan ang oras sa labas o iwasang magbabad sa sikat ng araw at uminom ng maraming tubig. RNT/ JCM
June 25, 2022 @5:00 PM
Views:
51
Bulacan- Patay ang isang lalaking nanloob ng isang covenience store na pumalya ang baril sa mga rumespondeng pulis habang nakatakas ang kanyang kasamahan sa bayan ng Paombong.
Sa inisyal report ng Paombong police, bandang alas-3:10 ng madaling araw nitong Hunyo 25, naganap ang panghoholdap ng dalawang hindi nakilalalang lalaki sa Alfamart sa Brgy.San Isidro 1.
Ayon sa report ng pulisya, isang tawag sa cellphone ng store crew ang kanilang natanggap na nagsabing nilooban sila ng dalawang lalaki na kapwa armado ng baril.
Dahil dito, agad rumesponde ang mga pulis sa lugar hanggang sa maabutan ang dalawang lalaking nagmamadaling lumabas sa naturang tindahan.
Sa pagmamadali, naiwanan ng isang suspek lulan ng motorsiklo ang kanyang kasamahan na nagtatakbo palayo.
Nang mag-abot sa ‘di kalayuan ay tinutukan at sinubukang nang tumatakbong suspek na kalabitin ang gatilyo ng baril sa mga tumutugugis na pulis subalit nag-jammed ito.
Dahil dito, mabilis na pinaputukan ng pulis ang suspek na napuruhan at agad na namatay sa gilid ng kalsada.
Siinusulat ito patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek. Dick Mirasol III
June 25, 2022 @4:47 PM
Views:
49
MANILA, Philippines- Nag-usap sina Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion at Quezon City Mayor Joy Belmonte sa “Negosyo 3M” program event sa SM North Edsa the block, nitong Sabado.
Ang Go Negosyo ay adbokasiya ng Philippine Center for Entrepreneurship (PCE) upang tugunan ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng entrepreneurship. Danny Querubin
June 25, 2022 @4:45 PM
Views:
45
MANILA, Philippines- Nais ni incoming Migrant Workers Secretary Susan Ople na magkaroon ng joint agreement sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang maiwasan ang overlap sa awtoridad.
Sinabi ni Ople na nakipag-usap na siya kay incoming Labor chief Bienvenido Laguesma upang bumuo ng joint department order na maglilinaw kung aling departamento ang may hurisdiksyon kapag nag-intersect ang OFW at labor concerns.
“Kanino kukuha ng order, kasi doon nagkaproblema. Sino ba susundin namin? ’Yun aayusin namin ’yon,” aniya nitong Sabado.
Matatandaang nitong Abril ay nagkairingan ang Department of Migrant Workers (DMW) at DOLE ukol sa deployment ng Filipino workers sa Saudi Arabia, na mitsa ng kalituhan sa mga manggagawa.
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Disyembre 2021 ang pagbuo ng DMW,isang departmento na nakalaan para sa kapakanan ng migrant workers at mga Pilipino sa ibang bansa. RNT/SA
June 25, 2022 @4:30 PM
Views:
51
MANILA, Philippines- Iginiit ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) nitong Sabado na walang awtoridad ang National Telecommunications Commission (NTC) na i-block ang ilang news websites base sa hiling ng National Security Adviser.
Sinabi ng IBP na ang NTC “cannot restrict access” sa mga miyembro ng media batay sa alegasyon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, at inilarawan ang aksyon na “drastic” at isang “shortcut” upang patahimikin ang press.
“To take down the websites is to muzzle their owners. Such a drastic move can’t be anchored on statements that in court would be treated as hearsay,” pahayag ng IBP.
“Neither may it extend the scope of the Anti-Terrorism Council’s designation order to ‘affiliates’ at the barest invocation of terrorism,” dagdag nito.
Matatandaang hiniling ni Esperon sa NTC na i-block ang websites na may kaugnayan umano sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), kung saan kabilang ang websites ng mga progresibong grupo at independent media.
Saklaw ng NTC order, na may petsang Hunyo 8, ang halos 30 websites, kabilang na ang kay CPP’s founding chairman Jose Maria Sison at ang Philippine Revolution Web Central.
Kasama rin ang mga sumusunod na websites sa listahan: Save Our Schools Network, Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Pamalakaya Pilpinas, Bulatlat at Pinoy Weekly.
Pinuno naman ng news outfits ang NTC at si Esperon, at sinabing wala man lamang due process bago i-block ang mga website.
“The [National Security Council’s] letter-request, bereft of legal basis, only serves to embarrass the outgoing administration,” ayon sa IBP.
“The Supreme Court has already affirmed the constitutionality of [Anti-Terrorism Act’s] designation process. The NSC is encouraged to use the fruits of this victory and file the proper cases and requests for designation instead of resorting to censorial shortcuts,” dagdag ng grupo. RNT/SA
June 25, 2022 @4:15 PM
Views:
56
MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine military nitong Sabado na sa kabila ng shadowing at radio challenges mula sa Chinese Coast Guard vessel, ang Western Command (WESCOM) “successfully rotated troops and reprovisioned the beached BRP Sierra Madre (LS 57) in the Ayungin Shoal.”
Nadala rin ang mga suplay sa Ayungin detachment sakay ng indigenous boats na Unaizah Mae 2 at 3 mula Hunyo 20-22, 2022.
Nakarating na rin ang bagong batch ng mga tauhan sakay ng Sierra Madre, upang siguruhin ang presensya ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group.
Matapos ang matagumpay ng resupply mission, nagsumite ang WESCOM ng ulat sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) sa presenya ng Chinese vessels sa Kalayaan Island Group.
Matatandaang noong Disyembre 2021, iginiit ng China na alisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal. RNT/SA