Pinakamataas na pagtuturok sa 1 araw ng COVID vax naitala sa QC

Pinakamataas na pagtuturok sa 1 araw ng COVID vax naitala sa QC

May 29, 2021 @ 10:34 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Nakapagtala ang Quezon City ng pinakamataas na naiturok na COVID-19 dose sa loob ng isang araw.

May kabuuang 16,649 dose ng AstraZeneca, Pfizer-BioNTech at Sinovac vaccines ang naibakuna sa mga residenteng nasa ilalim ng priory list ng A1, A2 at A3 na karagdagan sa 352,927 na nauna nang maiturok na first at second dose.

Sinabing nangangahulugan ito na 16 porsyento ng 1.7 milyong target na residente ang nabakunahan na.

Sa datos nitong Mayo 28, nakapagtala na ang Quezon City ng 2,888 aktibong kaso ng COVID-19 case habang 90,842 na ang nakarekober. RNT/FGDC