Pinakamataas na terorista sa Cagayan, sumuko

Pinakamataas na terorista sa Cagayan, sumuko

January 17, 2022 @ 2:48 PM 7 months ago


Cagayan-Dahil unti-unti ng nalalagasan ng mga kasamahan at miyembro dala na rin ng kahirapan sa kabundukan ay sumuko ang isa sa pinakamataas na opisyal na Communist Terrorist o NPA ng Cagayan.

Kinilala ng 203rd Maneuver Company ang sumuko na si Elnan W. Tul-ag @JAMES/JUMONG/JADEN, Vice Commanding Officer 2 ng West Front Komprob Cagayan.

Ayon sa dating Vice Commanding Officer 2 ng West Front Komprob Cagayan, siya ay unang sumama sa grupo noong  disyembre ng  taong 2016 sa kanyang pag aakala ay maghahatid lamang ng mga relief goods sa naturang barangay ngunit lingid sa kanyang kaalaman ito pala ay anibersaryo ng kilusan, at dun ang naging  umpisa na ng pangangalap sa kanila bilang bagong miyembro.

Hanggang sa tuluyan na siyang maging ganap na kasapi ng kilusan noong  Enero taong 2017.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang mga opisyal ng kapulisan at kasundaluhan sa mga nalalabi pang miyembro ng teroristang grupo na isuko ang mga sarili at armas at maniwala sa mga programang inihanda sa kanila ng pamahalaan upang makapagsimula muli ng magandang buhay at makapiling ang kanika-nilang mga mahal sa buhay. (REY VELASCO)