Pinakamatandang tao sa buong mundo, sumakabilang-buhay na

Pinakamatandang tao sa buong mundo, sumakabilang-buhay na

April 26, 2022 @ 8:46 AM 2 months ago


Japan – Sumakibilang-buhay na ang pinaniniwalaang pinakamatandang tao sa mundo, ayon sa anunsyo ng pampublikong broadcaster na NHK noong Lunes.

Si Kane Tanaka na ipinanganak noong Enero 2, 1903 ay nasawi sa edad na 119.

Kinumpirma ng Guinness World Records noong 2019 bilang pinakamatandang taong nabubuhay si Tanaka.

Namatay siya sa katandaan sa isang ospital sa lungsod ng Fukuoka nitong Abril 19, sabi ng NHK. RNT