Pinakamatandang tao sa mundo patay na

Pinakamatandang tao sa mundo patay na

January 18, 2023 @ 5:07 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pumanaw na ang itinuturing na world’s oldest known person na isang madreng Pranses na si Lucile Randon.

Ito ang iniulat ng tagapagsalita ng AFP nitong Martes, Enero 17 kung saan pumanaw si Randon sa edad na 118.

Si Randon na kilala bilang si Sister Andre, ay isiniling sa southern France noong Pebrero 11, 1904 o bago pa man nangyari ang World War I.

Pumanaw ito habang natutulog sa kanyang nursing home sa Toulon.

“There is great sadness but… it was her desire to join her beloved brother. For her, it’s a liberation,” ani spokesman David Tavella ng Sainte-Catherine-Laboure nursing home.

Si Sister Andre na ang itinanghal na longest-lived person on Earth matapos na pumanaw si Kane Tanaka ng Japan sa edad na 119 noong nakaraang taon.

Opisyal naman na kinilala ng Guinness World Records ang katayuan niyang ito noong Abril 2022. RNT/JGC