Pinakaunang flight ng Cebu-Baguio route, lumapag na

Pinakaunang flight ng Cebu-Baguio route, lumapag na

December 16, 2022 @ 5:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon ay lumapag na sa Loakan Airport sa lungsod ng Baguio, ang eroplano ng Philippine Airlines sa bagong ruta nito na Cebu-Baguio umaga ng Biyernes, Disyembre 16.

Halos ilang dekada rin na hindi ginamit ang nasabing paliparan para sa commercial flights.

Sinalubong ng mga mananayaw mula sa Loakan ang Turboprop plane na may tail number na RP-C5903.

Mula 1941 ay nagdadala na ng mga pasahero ang PAL patungong Baguio ngunit nahinto noong late 1990s.

Ang kabubukas lamang na Cebu-Baguio flight ng nasabing airlines ang kauna-unahang pagbabalik ng commercial flight sa nasabing lungsod. RNT/JGC