‘Pinakbet’ vegetable production training inilunsad ng DAR-Kalinga

‘Pinakbet’ vegetable production training inilunsad ng DAR-Kalinga

July 11, 2020 @ 4:00 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naglunsad ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng training sa lalawigan ng Kalinga para sa sustainable livelihood sa disaster na mga apektado ng Covid-19 pandemic lalo na sa mga miyembro ng Northern Dugpa Farmers Association (NDFA) para tulungan sila sa pag-aaral sa lugar bunsod ng hindi inaasahang klima upang makapagpatubo ng produkto at dagdag na kita.

Aabot sa tatlongpung (30) miyembro ng NDFA ang naging recipients ng naturang suportang serbisyo para mabigyan ng climate resilient farm productivity support project (CRFPSP) ng ahensya.

Ayon kay Pinukpuk, Kalinga Agrarian Reform Beneficiary Organization (ARBO) point person Jocelyn Lemmao ang livelihood training na kinilalang bilang “Pinakbet vegetable prpduction” na ang pangunahing layunin ay mapaunlad ang tradisyunal na kaalaman ng mga magsasaka at maiturong ang makabagong paraan upang maitaas ang kanilang agricultural production sa pagsasaka.

Sinabi ni Lemmao na ang training ay napapanahon sa panahon ngayon na pandemic habang ang ekonomiya ay nangangailangan ng atensyon para idevelop at maipagpatuloy ang agricultural activities ng mga magsasaka.

“Dugpa is situated on the outskirts of the municipality of Pinukpuk and is a disaster-affected area due to excessive rainfall resulting to flood, soil erosion, and drought as a result of unpredictable climate,” ani ni Lemmao.

Idinagdag pa ni Lemmao na ang pagtuturo ng training ng agrarian reform beneficiaries (ARBs) na isang modernong organic farming technology ng producing pinakbet vegetables mula sa land preparation ng post-harvest activities.

“They will learn about growing seedlings by using sterilized soil, carbonized rice hull and pulverized coco coir. They will also study about good agricultural practices which encourages the use of organic fertilizers and organic sprays. ARBs are required to make their own organic fertilizers and sprays. Marketing strategies is another gist of the training to accommodate all products so that nothing is wasted,” paliwanag pa nito.

Ayon sa DAR ang Pinakbet ay isang indigenous Filipino dish ng hilagang Pilipinas at mahusay na sangkap ng bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan.

Ang Pinakbet ay pinagsamang talong, kamatis, okra, sitaw, siling haba, kalabasa, sigarilyas onions, garlic, baboy at iba pa. Santi Celario


  •  
  •  
  •  

Loading...