Pinal na listahan ng 2022 candidates, ilalabas sa Enero 15 – Comelec

Pinal na listahan ng 2022 candidates, ilalabas sa Enero 15 – Comelec

January 13, 2022 @ 7:00 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Target ng Commission on Elections (Comelec) na ilabas ang pinal na listahan ng mga kandidato sa 2022 elections sa Sabado, Enero 15.

“Ang estimate natin dito is matatapos ‘yung ating final ballot faces by Jan. 15. Final ballot faces mean ‘yun na ‘yung final list of candidates,” ani Comelec spokesperson James Jimenez sa isang media briefing.

Dagdag pa niya na target na rin ng poll body na simulant ang pag-imprenta ng mga balota sa Enero 17.

Sa huling tentative list ng Comelec, mayroong 10 aspirant sa pagkapangulo.

Kabilang rito sina dating Palace spokesperson Ernesto Abella, labor leader Leody de Guzman, Manila Mayor Isko Moreno, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, Senators Ping Lacson at Manny Pacquiao, Faisal Mangondato, Jose Montemayor, dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President Leni Robredo.

Siyam naman ang pasok pa rin sa vice presidential race, habang 64 ang pasok sa tentative list sa tatakbong senador.

Target namang isagawa ng Comelec ang mga debate mula Pebrero hanggang Abril, ayon pa kay Jimenez.

“One set of debates per month probably in the 3rd week or 4th week,” dagdag pa niya. RNT